Saturday, March 5, 2016
Monday, February 15, 2016
Sunday, February 14, 2016
Tuesday, January 26, 2016
Monday, January 25, 2016
angot
angot
Pinagmulan ng salita
Angot (1754). Mga baryasyon: angil o umangil, galit o magalit, ungol o umungol.
Sunday, January 24, 2016
Saturday, January 23, 2016
Baybayin YA
Ang YA sa Baybayin ay simbolo ng yakag at yari, mga gawa o kagagawan. Ang tunog /ya/ ng Baybayin YA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /way/.
Friday, January 22, 2016
Baybayin WA
Ang WA sa Baybayin ay simbolo ng buka ng bibig. Mga bukambibig ngayon sa Filipino:
- "O Wa!"
- "Wag!"
- "Wagi!"
- "Walastik"
- "Walanjo"
- "Walangya!"
- "Waley!"
- "Wapak!"
- "Wasak!"
- "Wantusawa"
- "Waw!"
- "Wawa naman!"
Ang tunog /wa/ ng Baybayin WA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /dobolyu/.
Thursday, January 21, 2016
Baybayin TA
Ang TA sa Baybayin ay simbolo ng tao. Ang tunog /ta/ ng Baybayin TA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /ti/.
Wednesday, January 20, 2016
Baybayin SA
Ang SA sa Baybayin ay simbolo ng saanman na kinalulugaran. Ang salitang sa sa Tagalog ay tumutukoy sa lokasyon o direksyon ng isang bagay. Ang tunog /sa/ ng Baybayin SA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /es/.
Tuesday, January 19, 2016
Baybayin PA
Ang PA sa Baybayin ay simbolo ng paalala at pakiusap. Ang salitang pa sa Tagalog ay ginagamit na pang-abay at ipanapakita nito ang pangyayari na may koneksyon sa panahon. Kaya sinasagot ng "PA" ang tanong kung tapos na o nagaganap pa lamang ang isang kilos o bagay. Ang tunog /pa/ ng Baybayin PA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /pi/.
Monday, January 18, 2016
Baybayin NGA
Ang NGA sa Baybayin ay simbolo ng mga ngumanganga o mga ngangangahin. Ang NGA ay makikita sa mga salitang bunganga, panga, ngala-ngala, ngalngal, ngasab, ngatngat, ngawa, at bunga. Ang salitang nga sa Tagalog ay ginagamit na ekspresyon upang pagtibayin ang mga sinasabi. Ang tunog /nga/ ng Baybayin NGA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /en-dyi-ey/.
Sunday, January 17, 2016
Baybayin NA
Ang NA sa Baybayin ay simbolo ng nalikha o nilikha at mga nagagawang kilos o bagay. Ang salitang na sa Tagalog ay ginagamit upang bigyan ng diin ang mga gawaing ginagawa sa kasalukuyan, nagawa na, o gagawin pa lamang. Ang tunog /na/ ng Baybayin NA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /en/.
Saturday, January 16, 2016
Baybayin MA
Ang MA sa Baybayin ay marka ng katangian o kalidad. Ang ma- na unlapi ay ginagamit kapag binabanggit ang pagmamay-ari o pagkakaroon ng isang bagay. Halimbawa: maalat, mabilog, makisig, madasalin, maganda, mahaba, malaki, mamula-mula, manilaw-nilaw, mapalad, maramdamin, masarap, matalino, mawalain, mayaman. Ang tunog /ma/ ng Baybayin MA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /em/.
Friday, January 15, 2016
Baybayin LA
Ang LA sa Baybayin ay simbolo ng lalaki. Ang tunog /la/ ng Baybayin LA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /el/.
Thursday, January 14, 2016
Baybayin HA
Ang HA sa Baybayin ay simbolo ng hangin o hininga. Ang tunog /ha/ ng Baybayin HA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /eyts/.
Wednesday, January 13, 2016
Baybayin GA
Ang GA sa Baybayin ay simbolo ng paghahambing. Ang ga- na unlapi ay ginagamit kapag pinaghahambing ang mga bagay ayon sa sukat o hugis gaya sa mga salitang ito: gabundok, gabutil, gabuhok, gasuklay. Ang tunog /ga/ ng Baybayin GA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /dyi/.
Tuesday, January 12, 2016
Baybayin DA
Ang DA sa Baybayin ay simbolo ng daan at direksyon kahit pa ito'y nagiging RA sa mga salitang ganito: doon o roon, dito o rito, diyan o riyan. Ang tunog /da/ ng Baybayin DA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /di/.
Monday, January 11, 2016
Baybayin KA
Ang KA sa Baybayin ay simbolo ng Katagalugan at Katipunan. Ang buong Pilipinas noong panahon na hindi pa nasakop ng mga Kastila ay tinawag na Katagalugan. Ang mga katutubo ay tinawag namang mga Tagalog. Ang tunog /ka/ ng Baybayin KA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /key/.
Sunday, January 10, 2016
Baybayin BA
Ang BA sa Baybayin ay tinatawag na simbolo, karakter, titik, at katinig. Ang tunog /ba/ ng Baybayin BA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /bi/.
Saturday, January 9, 2016
Baybayin O/U
Ang O at U
sa alpabetong Tagalog [ABAKADA] ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles.
Ang simbolo na Baybayin O/U ay tunog /u/, hindi /yu/. Halimbawa: obas o ubas.
Friday, January 8, 2016
Baybayin E/I
Ang E at I sa alpabetong Tagalog [ABAKADA] ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles. Ang simbolo na Baybayin E/I ay tunog /i/, hindi /ay/. Halimbawa: edad o idad.
Thursday, January 7, 2016
Baybayin A
Ang A sa alpabetong Tagalog [ABAKADA] ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles. Ang tunog /a/ nito ay mababasa sa mga salitang ito: abaka, adobo, aga, ahente, ako, alpabeto, ama, anak, apoy, araw, asal, awa, ayos.
Wednesday, January 6, 2016
Virama
Noong 1620, isang Prayleng Espanyol na nagngangalang Francisco Lopez ang nagpasok ng virama na may anyong krus /"+"/ sa Sulat Baybayin. Ang virama ay tinatawag ding vowel-killer, kinakansela nito lahat ng tunog ng mga patinig.
Tuesday, January 5, 2016
Kudlit
Ang mga katinig, na binibigkas nang may kasamang patinig na /a/, ay pwedeng magbago ang tunog kapag dinadagdagan mo ng kudlit, isang diyakritik na marka sa taas o sa baba nito.
Ang tuldok /•/, singsing /ο/, gitling /-/, panipi / '/ atbp. sa itaas ng Baybayin karakter (katinig-patinig) ay lumilikha ng tunog na "e" o "i".
Ang tuldok /•/, singsing /ο/, gitling /-/, prime / '/ atbp. sa ilalim ng Baybayin karakter (katinig-patinig) ay lumilikha ng tunog na "o" o "u".
Monday, January 4, 2016
Abugida
Ang Sulat Baybayin ay isang uri ng abugida o alfasilabaryo na sistemang pagsulat. Ang bawat karakter ay may katinig at patinig na /A/.
Sunday, January 3, 2016
Baybayin Katinig
Ang mga katinig sa Baybayin ay mula sa sinaunang Tagalog kaya bigkas-Tagalog, hindi ito hiram at bigkas-Ingles na /bi/ /si/ /di/ /dzi/ /eyts/ /el/ /em/ /en/ /endzi/ /pi/ /es/ /ti/ /dobolyu/ at /way/.
Saturday, January 2, 2016
Friday, January 1, 2016
Baybayin
Ang mga sinaunang Tagalog ay gumagamit ng papantig na sistema ng pagsulat, ang Baybayin. Ang Tagalog Baybayin ay may 3 patinig at 14 na katinig.
BAYBAYIN SINTAKS
Ang Baybayin Sintaks ay isang proyekto na may pagmamalasakit sa pagsulong ng napakatandang Baybayin na sistema ng pagsulat. Bilang isang mapagkukunan ng paksang pinag-aaralan, ito ay makatutulong na palaganapin ang wikang Filipino sa paraan ng katutubong Sulat Baybayin.
Subscribe to:
Posts (Atom)