Ang
MA sa Baybayin ay marka ng katangian o kalidad. Ang
ma- na unlapi ay ginagamit kapag binabanggit ang pagmamay-ari o pagkakaroon ng isang bagay. Halimbawa: maalat, mabilog, makisig, madasalin, maganda, mahaba, malaki, mamula-mula, manilaw-nilaw, mapalad, maramdamin, masarap, matalino, mawalain, mayaman. Ang tunog /ma/ ng Baybayin MA ay bigkas-Tagalog, hindi bigkas-Ingles na /em/.